Life is like driving a car. May kanya-kanya tayong byahe. Syempre kapag nagbyahe tayo, kailangan nating makarating sa ating pupuntahan. Bago pa man tayo makarating sa ating destinasyon, kailangan mo munang pagdaanan ang maraming bagay. Mga balakid tulad ng traffic, sirang daanan, banggaan atbp. Minsan kailangan mong madesisyon kung anong tatahakin mo, kung kakanan ka ba o kakaliwa, kung didiretso o aatras. Minsan kailangan mong paspasan ang takbo para makahabol sa iba.kailangan nating kumarera. Minsan kailangan mong bagalan ang takbo, para ma-appreciate ang mga bagay na nasa paligid mo.

Kahit anong kotse pa yan, Ferrari man yan o simpleng Nissan lang, nauubusan din yan ng gas, napuputukan ng gulong, nasisira ang mga pyesa. Nasa sayo yan kung susupplyan mo pa ng gas, papalitan mo pa ng gulong, kung ipapayos pa ang mga nasirang pyesa. Nasa sayo yan kung gusto mo pang magdrive. Pero kahit kailan hindi naging dahilan ang pagkasira ng kotse o pagkaubos ng gas para hindi ka magpatuloy na magdrive. Marami kang madadaanan na gas stations, minsan malapit, minsan malayo. Kung hindi mo kayang gawin mag-isa, maraming repair shops dyan sa tabi tabi. Kaya sa buhay natin ngayon, ang tanong lang ay “Hanggang saan ba makakarating yang kotse mo?”

  1. www-franzelle reblogged this from piinaibig
  2. piinaibig posted this
HW